Font Size
Mga Gawa 2:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Gawa 2:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.
5 May mga debotong Judio noon sa Jerusalem na nagmula sa bawat bansa sa buong mundo. 6 Nang marinig nila ang ugong, nagdatingan ang maraming tao. Namangha sila sapagkat nagsasalita ang mga alagad sa wika ng mga nakikinig.
Read full chapter