Add parallel Print Page Options

28 Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan, na inilagay ng Espiritu Santo sa inyong pangangasiwa. Pangalagaan ninyo ang iglesya ng Diyos[a] na kanyang tinubos sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak.[b] 29 Alam kong pagkaalis ko'y magsisipasok ang mababangis na asong-gubat at walang patawad nilang lalapain ang kawan. 30 Mula na rin sa inyo'y may lilitaw na mga taong magsasalita ng kasinungalingan upang mahikayat na sumunod sa kanila ang mga alagad.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Gawa 20:28 Diyos: Sa ibang manuskrito'y Panginoon .
  2. Mga Gawa 20:28 dugo ng kanyang Anak: o kaya'y kanyang sariling dugo .