Font Size
Mga Gawa 20:29-31
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Gawa 20:29-31
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
29 Alam kong pagkaalis ko'y magsisipasok ang mababangis na asong-gubat at walang patawad nilang lalapain ang kawan. 30 Mula na rin sa inyo'y may lilitaw na mga taong magsasalita ng kasinungalingan upang mahikayat na sumunod sa kanila ang mga alagad. 31 Kaya't mag-ingat kayo. Alalahanin ninyong tinuruan ko kayo araw at gabi sa loob ng tatlong taon, at maraming luha ang pinuhunan ko.
Read full chapter