Add parallel Print Page Options

33 Pagkatapos nito, lumapit ang kapitan, dinakip si Pablo at ipinagapos ng dalawang tanikala. “Sino ang taong ito?” tanong niya. “Ano ba'ng ginawa niya?” 34 Iba-iba ang isinisigaw ng mga tao; at dahil sa kaguluhan ay hindi maunawaan ng kapitan ang totoong nangyari. Kaya't iniutos niyang dalhin si Pablo sa himpilan. 35 Nang dumating si Pablo sa hagdanan, binuhat na siya ng mga kawal sapagkat naging marahas na ang maraming tao.

Read full chapter