Add parallel Print Page Options

At nang masumpungan ang mga alagad, ay nangatira kami doong pitong araw: at sinabi ng mga ito kay Pablo na (A)sa pamamagitan ng Espiritu, na huwag siyang tutungtong sa Jerusalem.

At nang mangyari na maganap namin ang mga araw na yaon, ay nagsialis kami at nangagpatuloy sa aming paglalakbay: at silang lahat, pati ng mga asawa at mga anak, (B)ay humatid sa amin sa aming paglalakad hanggang sa labas ng bayan: at sa paninikluhod namin sa baybayin, kami'y nagsipanalangin, at nangagpaalaman sa isa't isa;

At nagsilulan kami sa daong, datapuwa't sila'y muling nagsiuwi sa bahay.

Read full chapter