Font Size
Mga Gawa 21:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Gawa 21:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Nang dumating ang araw ng aming pag-alis, nagpatuloy kami sa paglalakbay. Kami ay inihatid nilang lahat, kasama ang kanilang mga asawa't mga anak, hanggang sa labas ng lungsod. Pagdating sa tabing-dagat, lumuhod kaming lahat at nanalangin. 6 Pagkatapos naming magpaalam, sumakay na kami sa barko, at sila'y nagsiuwi na.
7 Mula sa Tiro, nagpatuloy kami ng paglalakbay at nakarating kami sa Tolemaida. Kinumusta namin ang mga kapatid at tumigil kami doon nang isang araw.
Read full chapter