Font Size
Mga Gawa 22:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Gawa 22:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isinalaysay ni Pablo Kung Paano Siya Sumampalataya(A)
6 “Nang malapit na ako sa Damasco, magtatanghaling-tapat noon, may biglang kumislap sa aking paligid na isang matinding liwanag mula sa langit. 7 Bumagsak ako sa lupa at narinig ko ang isang tinig na nagsalita sa akin, ‘Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?’ 8 Ako'y sumagot, ‘Sino po kayo, Panginoon?’ ‘Ako ang iyong pinag-uusig na si Jesus na taga-Nazaret,’ tugon ng tinig.
Read full chapter