Add parallel Print Page Options

Ipinadala si Pablo kay Gobernador Felix

23 Pagkatapos ay kanyang tinawag ang dalawa sa mga senturion, at sinabi, “Sa ikatlong oras[a] ng gabi, ihanda ninyo ang dalawandaang kawal kasama ang pitumpung mangangabayo at dalawandaang may sibat upang magtungo sa Cesarea.

24 Ipaghanda rin ninyo sila ng mga hayop na masasakyan ni Pablo, at siya'y ihatid na ligtas kay Felix na gobernador.”

25 At siya'y sumulat ng isang sulat, na ganito:

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Gawa 23:23 o ikasiyam ng gabi sa makabagong pagbilang ng oras .