Font Size
Mga Gawa 24:10-12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 24:10-12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pagtatanggol ni Pablo sa Harapan ni Felix
10 Nang hudyatan ng gobernador si Pablo upang magsalita, siya'y sumagot:
“Yamang nalalaman kong kayo ay naging hukom sa loob ng maraming mga taon sa bansang ito, buong tiwala kong gagawin ang aking pagtatanggol. 11 Matitiyak ninyo sa inyong pagsisiyasat na wala pang labindalawang araw nang ako'y pumunta sa Jerusalem upang sumamba. 12 Minsan man ay hindi nila ako natagpuang nakikipagtalo kahit kanino o kaya'y nanggugulo sa maraming tao sa Templo man o sa mga sinagoga, o saanmang dako ng lungsod.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.