Font Size
Mga Gawa 25:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Gawa 25:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Naghabol si Pablo sa Emperador
25 Dumating si Festo sa lalawigang pangangasiwaan niya at pagkaraan ng tatlong araw, pumunta siya sa Jerusalem mula sa Cesarea. 2 Lumapit sa kanya ang mga punong pari at ang mga pinuno ng mga Judio, at idinulog ang kanilang reklamo laban kay Pablo. 3 Dahil may balak silang tambangan at patayin si Pablo, nagmakaawa sila sa gobernador na ipatawag ito sa Jerusalem.
Read full chapter