Font Size
Mga Gawa 25:14-16
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 25:14-16
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
14 Nang matagal-tagal na sila roon, isinalaysay ni Festo sa hari ang kaso ni Pablo. Sinabi niya, “May iniwan dito si Felix, isang lalaking bilanggo. 15 Noong ako'y nasa Jerusalem ay ipinagbigay-alam ng mga punong pari at ng mga pinuno ng mga Judio ang tungkol sa kanya at hiniling na parusahan ko siya. 16 Sinabi ko sa kanilang hindi kaugalian ng mga Romano na ibigay ang sinumang tao sa mga nagsasakdal sa kanya hanggang hindi nagkakaharap ang isinasakdal at ang mga nagsasakdal. Ito'y upang mabigyan siya ng pagkakataong maipagtanggol ang kanyang sarili.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.