Add parallel Print Page Options

15 Noong ako'y nasa Jerusalem ay ipinagbigay-alam ng mga punong pari at ng mga pinuno ng mga Judio ang tungkol sa kanya at hiniling na parusahan ko siya. 16 Sinabi ko sa kanilang hindi kaugalian ng mga Romano na ibigay ang sinumang tao sa mga nagsasakdal sa kanya hanggang hindi nagkakaharap ang isinasakdal at ang mga nagsasakdal. Ito'y upang mabigyan siya ng pagkakataong maipagtanggol ang kanyang sarili. 17 Kaya't nang sila'y magkakasamang dumating dito ay hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Kinabukasan din ay umupo ako sa hukuman at ipinatawag ko siya.

Read full chapter