Font Size
Mga Gawa 25:19-21
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 25:19-21
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
19 Sa halip, ang pinagtalunan nila'y tungkol sa kanilang relihiyon, at tungkol sa isang tao na ang pangala'y Jesus. Patay na ang taong ito, ngunit pinaninindigan ni Pablo na siya'y buháy. 20 Dahil naguguluhan ako tungkol dito, tinanong ko si Pablo kung ibig niyang sa Jerusalem siya litisin tungkol sa mga paratang na ito. 21 Ngunit hiniling niya na manatili na lamang sa bilangguan at ipaubaya sa Emperador ang pagpapasya sa kanyang kaso. Dahil dito'y ipinag-utos kong bantayan siya hanggang siya'y maipadala ko sa Emperador.”
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.