Font Size
Mga Gawa 25:21-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Gawa 25:21-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
21 Ngunit tumutol siya at hiniling na ipaubaya sa Emperador ang pagpapasya sa kanyang kaso. Dahil dito, pinabantayan ko siya upang ipadala sa Emperador.”
22 Sinabi ni Agripa kay Festo, “Gusto kong mapakinggan ang taong iyan.”
“Mapapakinggan mo siya bukas,” tugon naman ni Festo.
Iniharap si Pablo kina Agripa at Bernice
23 Kinabukasan, dumating sina Agripa at Bernice, kasama ang matataas na punong kawal at ang mga tanyag na tao sa lungsod. Buong karangyaan silang pumasok sa bulwagan ng hukuman at iniutos ni Festo na si Pablo'y iharap sa kanila.
Read full chapter