Add parallel Print Page Options

At nang siya'y makatira na sa kanila na hihigit sa walo o sangpung araw, ay lumusong siya sa Cesarea: at nang kinabukasa'y lumuklok siya sa hukuman, at ipinaharap sa kaniya si Pablo.

At nang siya'y dumating, ay niligid siya ng mga Judio (A)na nagsilusong na galing sa Jerusalem, (B)na may dalang marami at mabibigat na sakdal laban sa kaniya, na pawang hindi nila mapatunayan;

Samantalang sinasabi ni Pablo sa kaniyang pagsasanggalang, (C)Laban man sa kautusan ng mga Judio, ni laban sa templo, ni laban kay Cesar, ay hindi ako nagkakasala ng anoman.

Read full chapter