Font Size
Mga Gawa 25:6-8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 25:6-8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
6 Nagpalipas doon si Festo ng hindi hihigit sa walo o sampung araw, pagkatapos ay bumalik sa Cesarea. Kinabukasan, umupo siya sa hukuman at iniutos na dalhin sa kanya si Pablo. 7 Pagdating ni Pablo ay pinaligiran agad siya ng mga Judiong galing sa Jerusalem at nagharap ng marami at mabibigat na mga paratang laban sa kanya, na hindi naman nila mapatunayan. 8 Ipinagtanggol ni Pablo ang sarili at sinabi nito, “Wala akong ginawang anuman laban sa kautusan ng mga Judio, o laban sa templo, o maging sa Emperador.”
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.