Add parallel Print Page Options

14 Bumagsak kaming lahat sa lupa, at narinig ko ang isang tinig na nagsabi sa akin sa wikang Hebreo, ‘Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig? Masasaktan ka sa pagsipa mo sa tulis.’ 15 At itinanong ko, ‘Sino po ba kayo, Panginoon?’ At kanyang sinabi, ‘Ako si Jesus na iyong inuusig. 16 Ngayo'y bumangon ka at tumindig. Nagpakita ako sa iyo sapagkat itinalaga kitang maging lingkod at maging saksi sa mga nakita mo sa akin at sa mga ipapakita ko pa sa iyo.

Read full chapter