Add parallel Print Page Options

29 At sinabi ni Pablo, Loobin nawa ng Dios, na sa kakaunti o sa marami man, ay hindi lamang ikaw, kundi pati ng lahat ng mga nagsisipakinig sa akin ngayon, ay pawang maging katulad ko naman, tangi lamang (A)sa mga tanikalang ito.

30 At nagtindig ang hari, at ang gobernador, at si (B)Bernice, at ang mga nagsiupong kasama nila:

31 At nang sila'y makahiwalay, ay nangagsalitaan sila sa isa't isa, na nagsisipagsabi, Ang taong ito ay (C)walang anomang ginagawa na marapat sa kamatayan o sa mga tanikala.

Read full chapter