Add parallel Print Page Options

Alam (A) nila mula pa nang una, kung handa silang magpatunay, na namuhay ako bilang Fariseo, ang pinakamahigpit na sekta ng aming relihiyon. At ngayo'y nakatayo ako rito upang litisin dahil sa aking pag-asa sa pangakong binitawan ng Diyos sa aming mga ninuno. Ito ang pangakong inaasahang matamo ng aming labindalawang lipi kaya't sila'y masigasig na naglilingkod sa Diyos gabi at araw. At dahil sa pag-asang ito, O Haring Agripa, ako'y isinasakdal ng mga Judio!

Read full chapter