Add parallel Print Page Options

15 Hinampas nito ang barko, at dahil hindi na kami makasalungat, nagpatangay na lamang kami sa hangin. 16 Namaybay kami sa ligtas na bahagi ng isang maliit na pulo na tinatawag na Cauda, at doo'y naisampa namin ang bangkang nakasabit sa barko, bagama't nahirapan kaming gawin iyon. 17 Nang maisampa na ito, gumawa sila ng paraan upang matalian ng lubid ang barko. Dahil sa takot na baka sila sumadsad sa dakong buhanginan ng Sirte, ibinaba nila ang mga layag at sa gayo'y nagpaanod na lamang.

Read full chapter