Add parallel Print Page Options

18 Nagpatuloy ang malakas na bagyo sa paghampas sa amin, kaya't kinabukasa'y nagsimula silang magtapon ng mga kargamento sa dagat. 19 At nang sumunod na araw pa ay itinapon na rin nila ang mga kagamitan ng barko. 20 Matagal na di namin nakita ang araw at ang mga bituin, at patuloy pa rin ang malakas na bagyo sa paghampas sa amin, kaya't nawala na ang lahat ng aming pag-asang makaligtas.

Read full chapter