Font Size
Mga Gawa 27:20-22
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 27:20-22
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
20 Matagal na di namin nakita ang araw at ang mga bituin, at patuloy pa rin ang malakas na bagyo sa paghampas sa amin, kaya't nawala na ang lahat ng aming pag-asang makaligtas.
21 Nang matagal na silang hindi kumakain, tumayo si Pablo sa gitna nila at nagsalita, “Mga ginoo, kung nakinig sana kayo sa akin at hindi tayo umalis sa Creta, naiwasan sana natin ang pinsala at kapahamakang ito. 22 Ngayon ito ang payo ko: lakasan ninyo ang inyong loob sapagkat walang mapapahamak isa man sa inyo kundi ang barko.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.