Add parallel Print Page Options

38 Nang mabusog na sila, itinapon nila sa dagat ang kargang trigo upang gumaan ang barko.

Pagkawasak ng Barko

39 Nang mag-umaga na, nakatanaw sila ng lupa, bagama't hindi nila alam kung anong lugar iyon. Ngunit nabanaagan nila ang isang look na may dalampasigan at binalak nilang maisadsad doon ang barko. 40 Kaya't kinalag nila ang tali ng mga angkla at inihulog ang mga iyon sa dagat. Kinalag din nila ang mga tali ng malalaking sagwan. Itinaas nila ang layag sa unahan at hinayaang itulak ng hangin ang barko patungo sa dalampasigan.

Read full chapter