Add parallel Print Page Options

Magmula roo'y naglayag kaming muli, at dahil pasalungat sa amin ang hangin, namaybay kami sa ligtas na bahagi ng Cyprus. Paglampas namin sa tapat ng Cilicia at Pamfilia, nakarating kami sa Mira ng Licia. Nakatagpo roon ang senturyon ng isang barkong Alejandria na naglalayag patungo sa Italia at pinasakay niya kami roon.

Read full chapter