Font Size
Mga Gawa 27:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Gawa 27:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Mula roon ay naglakbay kaming muli, at dahil sa pasalungat ang hangin, kami'y namaybay sa gawing silangan ng Cyprus upang kumubli. 5 Dumaan kami sa tapat ng Cilicia at Pamfilia, at kami'y dumating sa Mira, isang lungsod ng Licia. 6 Ang kapitan ng mga sundalo ay nakakita roon ng isang barkong mula sa Alejandria papuntang Italia, at inilipat niya kami roon.
Read full chapter