Font Size
Mga Gawa 27:40-42
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 27:40-42
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
40 Kaya't kinalag nila ang tali ng mga angkla at inihulog ang mga iyon sa dagat. Kinalag din nila ang mga tali ng malalaking sagwan. Itinaas nila ang layag sa unahan at hinayaang itulak ng hangin ang barko patungo sa dalampasigan. 41 Ngunit sumadsad ang barko sa dakong mababaw, sa dakong pinagsasalubungan ng dalawang dagat. Bumaon ang unahan ng barko kaya't hindi makaalis. Ang hulihan naman nito'y winasak ng malalakas na hampas ng alon. 42 Binalak ng mga kawal na pagpapatayin ang mga bilanggo upang walang sinumang makalangoy at makatakas.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.