Add parallel Print Page Options

Mabagal at naging mahirap ang aming paglalayag. Tumagal nang maraming araw bago kami nakarating sa tapat ng Cinido. Nang hindi na kami makapagpatuloy dahil sa hangin, namaybay kami sa ligtas na bahagi ng Creta, sa tapat ng Salmone. Matiyaga kaming namaybay hanggang marating namin ang isang lugar na tinatawag na Mabubuting Daungan, malapit sa lungsod ng Lasea. Dahil mahabang panahon na kaming naglalakbay at mapanganib na ang magpatuloy, sapagkat maging ang pag-aayuno ay nakalampas na, pinayuhan sila ni Pablo.

Read full chapter