Add parallel Print Page Options

Mabagal ang aming paglalakbay. Tumagal ito ng maraming araw, at nahirapan kami bago nakarating sa tapat ng Cinido. Buhat dito'y hindi namin matawid ang kalawakan ng dagat sapagkat pasalungat kami sa hangin. Kaya't nagpunta kami sa panig ng Creta na kubli sa hangin, sa tapat ng Salmone. Nahirapan kaming namaybay sa tabi hanggang sa marating namin ang pook na tinatawag na Mabuting Daungan na malapit sa bayan ng Lasea.

Mahabang panahon na kaming naglalakbay. Mapanganib na ang magpatuloy dahil nakaraan na ang Araw ng Pag-aayuno,[a] kaya't pinayuhan sila ni Pablo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 9 ARAW NG PAG-AAYUNO: Ginaganap ito sa pagtatapos ng Setyembre o sa pagsisimula ng Oktubre. Sa panahong ito, mapanganib ang paglalakbay sa dagat dahil sa sama ng panahon.