Add parallel Print Page Options

Matiyaga kaming namaybay hanggang marating namin ang isang lugar na tinatawag na Mabubuting Daungan, malapit sa lungsod ng Lasea. Dahil mahabang panahon na kaming naglalakbay at mapanganib na ang magpatuloy, sapagkat maging ang pag-aayuno ay nakalampas na, pinayuhan sila ni Pablo. 10 “Mga ginoo,” sabi niya, “sa tingin ko'y mapanganib na ang paglalayag na ito. Maaari na ring mapinsala at manganib, hindi lamang ang kargamento at ang barko, kundi pati na rin ang ating mga buhay.”

Read full chapter