Font Size
Mga Gawa 27:9-11
Magandang Balita Biblia
Mga Gawa 27:9-11
Magandang Balita Biblia
9 Mahabang panahon na kaming naglalakbay. Mapanganib na ang magpatuloy dahil nakaraan na ang Araw ng Pag-aayuno,[a] kaya't pinayuhan sila ni Pablo. 10 Sabi niya, “Mga ginoo, sa tingin ko'y mapanganib na ang maglakbay mula ngayon, at mapipinsala ang mga kargamento at ang barko, at manganganib pati ang buhay natin.”
11 Ngunit higit na pinahalagahan ng kapitan ng mga sundalo ang salita ng may-ari at kapitan ng barko kaysa sa payo ni Pablo.
Read full chapterFootnotes
- Mga Gawa 27:9 ARAW NG PAG-AAYUNO: Ginaganap ito sa pagtatapos ng Setyembre o sa pagsisimula ng Oktubre. Sa panahong ito, mapanganib ang paglalakbay sa dagat dahil sa sama ng panahon.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.