Font Size
Mga Gawa 28:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Gawa 28:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Sa Malta
28 Nang makaligtas na kami, nalaman naming ang pulong iyon ay tinatawag na Malta. 2 Napakabuti ng ipinakita sa amin ng mga tagaroon, sapagkat nang bumagsak ang ulan at naging maginaw, nagsiga sila at inasikaso kaming mabuti. 3 Si Pablo nama'y namulot ng kahoy at nang mailagay ang mga iyon sa siga, mula roo'y lumabas ang isang ahas dahil sa init. Tinuklaw nito ang kamay ni Pablo.
Read full chapter