Add parallel Print Page Options

13 Mula roo'y nagpatuloy kami at nakarating sa Regio. Kinabukasa'y umihip ang hanging habagat, at sa loob ng dalawang araw ay nakarating kami sa Puteoli. 14 Doon ay may natagpuan kaming mga kapatid. Pinakiusapan nila kaming tumigil doon ng isang linggo. Mula roo'y ipinagpatuloy namin ang aming paglalakbay hanggang makarating kami sa Roma. 15 Nang mabalitaan ng mga kapatid doon ang tungkol sa amin, dumating sila mula pa sa Pamilihan ng Appio at sa Tatlong Bahay-Tuluyan upang salubungin kami. Nang makita sila ni Pablo, siya'y nagpasalamat sa Diyos at lumakas ang kanyang loob.

Read full chapter