Mga Gawa 28:21-23
Ang Biblia (1978)
21 At sinabi nila sa kaniya, Kami'y hindi nagsitanggap ng mga sulat na galing sa Judea tungkol sa iyo, ni naparito man ang sinomang kapatid na magbalita o magsalita ng anomang masama tungkol sa iyo.
22 Datapuwa't ibig naming marinig sa iyo kung ano ang iyong iniisip: sapagka't tungkol sa (A)sektang ito'y talastas naming sa lahat ng mga dako ay laban dito ang mga salitaan.
23 At nang mataningan na nila siya ng isang araw, ay nagsiparoon ang lubhang marami sa kaniyang tinutuluyan; at sa kanila'y kaniyang ipinaliwanag ang bagay, na sinasaksihan (B)ang kaharian ng Dios, (C)at sila'y hinihikayat tungkol kay Jesus, (D)sa pamamagitan ng kautusan ni Moises at gayon din sa pamamagitan ng mga propeta, buhat sa umaga hanggang sa gabi.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978