Add parallel Print Page Options

22 Gayunma'y ibig naming mapakinggan ang iyong mga saloobin. Alam namin na saan mang lugar ay maraming nagsasalita ng laban sa sektang ito.” 23 Kaya't sila'y nagtalaga ng isang araw para sa kanya, at maraming nagtungo sa kanyang tinutuluyan pagsapit ng takdang araw na iyon. Mula umaga hanggang gabi ay nagpaliwanag at nagpatotoo sa kanila si Pablo tungkol sa paghahari ng Diyos. Sinikap niyang hikayatin sila tungkol kay Jesus mula sa isinasaad ng Kautusan ni Moises at ng mga propeta. 24 May ibang naniwala sa kanyang sinabi at may iba namang hindi.

Read full chapter