Mga Gawa 28:25-27
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
25 At nang hindi sila magkaisa, umalis sila matapos sabihin ni Pablo ang ganitong pahayag: “Tama ang sinabi ng Banal na Espiritu nang sabihin niya sa inyong mga ninuno sa pamamagitan ni propeta Isaias,
26 ‘Pumaroon (A) ka sa sambayanang ito at sabihin mo,
Makinig man kayo nang makinig, kailanma'y hindi ninyo mauunawaan,
tingnan man ninyo nang tingnan, hindi kayo makakakita.
27 Sapagkat pumurol na ang puso ng bayang ito,
at mahirap nang makarinig ang kanilang mga tainga,
ipinikit na nila ang kanilang mga mata;
Sapagkat ayaw na nilang makakita ang kanilang mga mata,
at makarinig ang kanilang mga tainga,
at makaunawa ang kanilang puso, at magbalik-loob sa akin,
at sila'y aking pagalingin.’
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.