Add parallel Print Page Options

25 Kaya't nang hindi sila magkaisa, sila'y umalis matapos sabihin ni Pablo ang ganitong pangungusap, “Tama ang sinabi ng Espiritu Santo sa inyong mga ninuno sa pamamagitan ni Propeta Isaias,

26 ‘Pumunta(A) ka sa mga taong ito at sabihin mo sa kanila,
Makikinig kayo nang makikinig ngunit hindi kayo makakaunawa,
    at titingin kayo nang titingin ngunit hindi kayo makakakita.
27 Sapagkat naging mapurol ang isip ng mga taong ito,
    tinakpan ang kanilang mga tainga,
    at ipinikit nila ang kanilang mga mata.
Kung hindi, makakakita sana ang kanilang mga mata,
    makakarinig ang kanilang mga tainga,
    at makakaunawa ang kanilang mga pag-iisip.
at magbabalik-loob sila sa akin,
    at sila'y aking pagagalingin, sabi ng Panginoon.’”

Read full chapter