Add parallel Print Page Options

27 Sapagka't kumapal ang puso ng bayang ito,
At mahirap na makarinig ang kanilang mga tainga,
At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata;
Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata,
At mangakarinig ng kanilang mga tainga,
At mangakaunawa ng kanilang puso,
At muling mangagbalik-loob,
At sila'y aking pagalingin.

28 Maging hayag nawa sa inyo, na ang (A)kaligtasang ito ng Dios ay ipinadala (B)sa mga Gentil: sila'y makikinig[a]naman.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Gawa 28:28 Sa ibang mga Kasulatan ay nakalagay ang talatang ito: 29 At nang masabi na niya ang mga salitang ito'y nagsialis ang mga Judio, at sila-sila'y nangagtatalong mainam.