Add parallel Print Page Options

27 Sapagkat pumurol na ang puso ng bayang ito,
    at mahirap nang makarinig ang kanilang mga tainga,
    ipinikit na nila ang kanilang mga mata;
    Sapagkat ayaw na nilang makakita ang kanilang mga mata,
    at makarinig ang kanilang mga tainga,
at makaunawa ang kanilang puso, at magbalik-loob sa akin,
    at sila'y aking pagalingin.’

28 Kaya nais kong sabihin sa inyo na ipinararating na sa mga Hentil ang kaligtasang ito mula sa Diyos, at pakikinggan nila ito!” 29 [Matapos niyang sabihin ang mga ito ay umalis na ang mga Judio at mahigpit na nagtalu-talo.][a]

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Gawa 28:29 Sa ibang manuskrito wala ang talatang ito.