Font Size
Mga Gawa 28:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Gawa 28:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Nang makita ng mga tagaroon ang ahas na nakabitin sa kamay ni Pablo, nasabi nila sa isa't isa, “Tiyak na mamamatay-tao ang taong iyan. Nakaligtas nga siya sa dagat ngunit hindi naman ipinahintulot ng katarungan na siya'y mabuhay pa.” 5 Subalit ipinagpag lamang ni Pablo sa apoy ang ahas at hindi siya naano. 6 Hinintay nilang mamaga si Pablo, o kaya'y biglang mabuwal at mamatay. Nang matagal na silang naghihintay at wala namang masamang nangyayari sa kanya, nagbago sila ng palagay. “Siya'y isang diyos,” sabi nila.
Read full chapter