Add parallel Print Page Options

Ang Pagpapagaling sa Lumpo

Isang araw, pumunta sina Pedro at Juan sa templo; ikatlo ng hapon noon,[a] ang oras ng pananalangin.[b] Sa pintuan ng Templo na tinatawag na Maganda ay naroon ang isang lalaking lumpo mula pa nang isilang. Araw-araw siyang dinadala roon upang manghingi ng limos sa mga taong pumapasok.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Gawa 3:1 Sa Griyego, ikasiyam na oras.
  2. Mga Gawa 3:1 Sa orihinal ay ikasiyam na oras, ngunit alas tres sa makabagong pagbilang ng oras (tingnan sa 2:15). Sinasabi ni Josephus na dalawang ulit nagkakaroon ng paghahandog sa Templo: tuwing umaga at tuwing alas tres ng hapon.