Add parallel Print Page Options

21 Siya'y dapat munang manatili sa langit hanggang sa dumating ang panahong likhaing panibago ang lahat ng mga bagay, na sinabi ng Diyos mula pa noong una sa pamamagitan ng pahayag ng kanyang mga banal na propeta. 22 Sinabi nga ni Moises, (A) ‘Ang Panginoon ninyong Diyos ay pipili mula sa inyong mga kababayan ng isang propetang gaya ko. Sundin ninyo ang lahat ng sasabihin niya sa inyo. 23 Ang (B) sinumang hindi makikinig sa propetang iyon ay ititiwalag sa bayan[a] ng Diyos at pupuksain.’

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Gawa 3:23 Sa Griyego, tao.