Font Size
Mga Gawa 4:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 4:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Si Pedro at si Juan sa Harap ng Sanhedrin
4 Nagsasalita pa sina Pedro at Juan[a] sa taong-bayan nang lumapit sa kanila ang mga pari, ang pinuno ng mga bantay sa templo, at ang mga Saduceo. 2 Labis ang galit ng mga ito sapagkat nagtuturo sila sa mga tao, at nagpapahayag na si Jesus ay muling nabuhay, na siyang katibayan ng muling pagkabuhay ng mga patay. 3 Kaya dinakip nila ang dalawa at ikinulong hanggang kinaumagahan sapagkat gabi na noon.
Read full chapterFootnotes
- Mga Gawa 4:1 Sa Griyego sila.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.