Add parallel Print Page Options

24 Nang makita niya na pinahihirapan ang isa sa kanila, ipinagtanggol at ipinaghiganti niya ito at pinatay ang Ehipcio. 25 Inaakala niya noon na naunawaan ng kanyang mga kababayan[a] na ililigtas sila ng Diyos sa pamamagitan niya.[b] Ngunit hindi nila ito naunawaan. 26 Kinabukasan, lumapit siya sa dalawang Israelitang nag-aaway. Ibig sana niyang sila'y pagkasunduin kaya sinabing, ‘Mga ginoo, kayo'y magkapatid; bakit sinasaktan ninyo ang isa't isa?’

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Gawa 7:25 Sa Griyego, kapatid.
  2. Mga Gawa 7:25 Sa Griyego, ng kamay niya.