Add parallel Print Page Options

44 “Nasa (A)ating mga ninuno sa ilang ang tolda ng patotoo, na ipinagawa ng Diyos na nagsalita kay Moises, ayon sa huwarang kanyang nakita. 45 Dinala (B) rin ito ng ating mga ninunong kasama ni Josue nang kanilang sakupin ang mga bansang pinalayas ng Diyos sa kanilang harapan. Nanatili ito roon hanggang sa panahon ni David. 46 Kinalugdan ng Diyos si David, (C) at hiniling niyang makakita ng isang tahanan para sa Diyos ni Jacob.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Gawa 7:46 Sa ibang manuskrito bahay ni Jacob.