Font Size
Mga Gawa 8:26-28
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Gawa 8:26-28
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Si Felipe at ang Pinunong Taga-Etiopia
26 Pagkatapos, sinabi ng isang anghel ng Panginoon kay Felipe, “Pumunta ka sa gawing timog sa daang mula sa Jerusalem papuntang Gaza.” Halos hindi na iyon dinadaanan ngayon. 27 Pumunta nga doon si Felipe. Samantala, isang eunuko na pinunong taga-Etiopia, na ingat-yaman ng Candace, reyna ng Etiopia, ang nagtungo sa Jerusalem upang sumamba 28 at pauwi na noon, nakasakay sa kanyang karwahe at nagbabasa ng aklat ni Propeta Isaias.
Read full chapter