Font Size
Mga Gawa 8:36-38
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Gawa 8:36-38
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
36 Nagpatuloy sila sa paglalakbay, at dumating sa isang lugar na may tubig. Kaya't sinabi ng pinuno, “Tingnan mo, may tubig dito! Mayroon bang hadlang upang ako'y bautismuhan?” [37 Sinabi sa kanya ni Felipe, “Maaari, kung sumasampalataya ka nang buong puso.” Sumagot ang pinuno, “Sumasampalataya ako na si Jesu-Cristo ang Anak ng Diyos!”][a]
38 Pinatigil ng pinuno ang karwahe, lumusong silang dalawa sa tubig at binautismuhan siya ni Felipe.
Read full chapterFootnotes
- 37 Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang talatang 37.