Add parallel Print Page Options

Ang Pagtawag kay Saulo(A)

Samantala, patuloy ang pagbabanta ni Saulo na maipapatay ang mga alagad ng Panginoon. Lumapit siya sa Pinakapunong Pari ng mga Judio at humingi ng mga sulat para sa mga sinagoga sa Damasco upang madakip niya at madala sa Jerusalem ang sinumang lalaki o babae na matagpuan niya roong kaanib sa Daan ng Panginoon.[a]

Naglakbay si Saulo papuntang Damasco, at nang siya'y malapit na sa lungsod, biglang kumislap sa paligid niya ang isang nakakasilaw na liwanag mula sa langit.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 KAANIB SA DAAN NG PANGINOON: Sa Aklat ng mga Gawa, ang kahulugan nito'y ang maging tagasunod ni Jesu-Cristo .