Font Size
Mga Gawa 9:17-19
Ang Biblia (1978)
Mga Gawa 9:17-19
Ang Biblia (1978)
17 At umalis si Ananias at pumasok sa bahay; at ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya na sinabi, Kapatid na Saulo, ang Panginoon, sa makatuwid baga'y si Jesus, na sa iyo'y napakita sa daan na iyong pinanggalingan, ay nagsugo sa akin, upang tanggapin mo ang iyong paningin, (A)at mapuspos ka ng Espiritu Santo.
18 At pagdaka'y nangalaglag mula sa kaniyang mga mata ang mga parang kaliskis, at tinanggap niya ang kaniyang paningin; at siya'y nagtindig at (B)siya'y binautismuhan;
19 At siya'y kumain at lumakas. (C)At siya'y nakisamang ilang araw sa mga alagad na nangasa Damasco.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978