Add parallel Print Page Options

39 At nagtindig si Pedro at sumama sa kanila. At pagdating niya, ay inihatid nila sa silid sa itaas: at siya'y niligid ng lahat ng mga babaing bao, na nagsisitangis, at ipinakikita ang mga tunika at ang mga damit na ginawa ni Dorcas, nang ito'y kasama pa nila.

40 Datapuwa't (A)pinalabas silang lahat ni Pedro, at (B)lumuhod, at nanalangin; at pagbaling sa bangkay ay kaniyang (C)sinabi, Tabita, magbangon ka. At iminulat niya ang kaniyang mga mata, at nang makita niya si Pedro, ay naupo siya.

41 At iniabot ni Pedro sa kaniya ang kaniyang kamay, at siya'y itinindig; at tinawag (D)ang mga banal at ang mga babaing bao, at siya'y iniharap niyang buhay.

Read full chapter