Font Size
Mga Hebreo 11:10-12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Hebreo 11:10-12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
10 Sapagkat inaasahan niya ang lungsod na may mga saligan, isang lungsod na ang nagplano at nagtayo ay ang Diyos. 11 Sa (A) pamamagitan ng pananampalataya, bagaman matanda na at baog si Sarah ay tumanggap pa rin siya ng kakayahang magkaanak, palibhasa'y itinuring ni Abraham[a] na tapat ang nangako. 12 Kaya't (B) mula sa isang lalaki na halos patay na ay isinilang ang isang lahi na kasindami ng mga bituin sa langit at ng di mabilang na mga buhangin sa dalampasigan.
Read full chapterFootnotes
- Mga Hebreo 11:11 Abraham: Sa ibang manuskrito ay tinutukoy ay si Sarah.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.